Public Toilet (piso ihi ; dos tae)

Thursday, October 23, 2008

Lucky me.

I always wanted to buy a new phone....yan nadinig ang dasal ko.... nakabili ko ng phone? hindi pa...pero nawala ung phone ko, kaya ngaun I have a reason to buy a new one. Hahahahaha... Naiwan ko ata sa taxi,at para sa nakapulot ng CP ko, palitan mu na lang ng housing kasu medyo mahal palitan yan ng housing tas eto ung security code just type "john" tas iwawala ko din ung charger para sana ikaw ang makakuha at pati na rin ung karton and manual and ear phones. Wag mu na lang sana pakialaman ung sim. thanks. Alam mu pang apat na cp ko palang yan sa buong buhay ko. kasi hindi talaga ko nag papalit ng CP kung hindi kailangan. hehehehe.


Yung una kong CP eh nung college na ko tas ang unit? N5110 ang tagal din sakin nun. Kahit na malaki okay lang, kasi kahit nagka holdapan sa jeep hindi pinansin ung cp ko. hindi ata nakita na hawak ko o natakot ata kasi masakit un pag ipinukpok, kung hindi nga nasira e malamang yun pa rin ang phone ko, mas maliit pa ung instant land line ni marian rivera.


Pangalawa kong CP ay ung N3350 ung parang 3310, ayun namn nung nag tatrabaho na ko. ahahaha... matagal din sakin un, kung hindi lang bagay sa porma ko talaga eh hindi ko papalitan un.


Pangatlo kong CP ay ang L7. maganda rin ung phone na un...kasu panget lang camera. sang taon din sakin un. Gumimik ako minsan tas nawala ng parang bula sa bulsa ko....kaya ayoko sa mga sik-sikang lugar...kala ko kung anung kinakapa, eh mas interesado pala sa CP ko...heheheheh lintik! First time kong nawalan ng CP. first time ko ding nadukutan sa bulsa.


Pang apat na CP ko ay yung L7e at yung 2100 ata yung may flash light. swerte ko kasi may naiwan pa ding cp sakin kahit na ang nawala ay ung primary phone ko. lahat ng numbers nandun sa cp na yun. I miss you phone.....


Kaswertehan ko talaga.


see yah.