Public Toilet (piso ihi ; dos tae)

Friday, August 8, 2008

Talent Search

Sino ba namn ang hindi nangarap na lumabas ang mukha nila sa TV? halos lahat ata ng tao pinangarap na maging artista. Lahat kakaririn para lang makapasuk sa magulong mundo ng showbiz (sikreto ko tong malupet, minsan sa buhay ko pinangarap ko din na lumabas mukha ko sa TV, hindi ko na nga lang tinuloy mangarap. Bkit? Basahin mu ung entry ko na Sense of humor na may sense). Sinu nga ba namn ang hindi mabubulag sa laki ng kita sa pag aartisa, sabi nga ng kabit bahay ko dyan, pera pera lang yan, AT hindi lang yaun. da Fame, da glory na nakakabit sa pangalan mu pag sumikat ka. Jakpot nga naman, magiging VIP ka na sa mga paborito mung fast food, di ka na nila papipilahin. Pag may gusto kang bilhin sa CD-R King aasikasuhin ka ng mga sales lady dun at hindi ka nila susungitan (ewan ko requirement ata na masama ugali ang tinatangap dun eh. Lalu na sa SM pala pala sa Cavite)at lalu na sa MRT hindi ka na din pagbabayarin, hindi mu na kailangan pumila ng mahaba, papapasukin ka nila sa Employee entrance.(oo hindi masama mag MRT pag artista ka na),hindi ka na bibili ng damit (bibigyan ka na lng) mas maganda pa dun eh hindi ka na huhuluhin ng MMDA pag hindi mu sinunod ang traffic rules sa Edsa.

Ang pinaka madaling paraan upang maging artista ay ang pagsali sa mga nagkalat na talent search ngaun, pero malaki na ang pagkakaiba ng mga talent search nuon at ngaun. Nuon ang mga nagwawagi sa talent search ay mga tunay na may talento gaya sa "Tawag ng Tanghalan" ang mga nagwagi sa talent search na ito ay tunay namng may K. Gaya ni Dulce, ang kumanta ng "Ako ang Nasawi, Ako ang Nagwagi", ang sikat na si Nora Aunor, na iisa ang tono sa pagdedeliber ng linya(pansinin nyo kahit galit, masaya o umiiyak parehas ang tono ng linya) at marame pang iba, hindi ko na nga lang naabutan kasi. kaya sila lang ang alam ko. hehehehe!

Ngaung panahong to mas marami ang talent search na nagsulputan, kaya nag karoon na din ng pag asa ang marami sa Pilipinong nag aambisyong yumaman. Tanungin mu ang mga kabataan ngaun (2 to 10 years old) pag tinanung mu kung anu ang gusto nila maging paklaki, ang isasagot ng karamihan ay maging katulad ni Idol oh in short maging artista. Di tulad dati na ang isasagot nila eh maging doktor, abugado, piloto...

Ang mga talent search ngaun ay nag poproduce ng mga talents na walang talent. Ang gulo noh....dahil idadaan ito sa text votes, kung sino ang gusto ng mga tao o kung sino ang mas maraming kamag-anak, kaibigan at kakilala un ang mananalo.(Toink! un lang) Pero it makes sense kasi mas patok sa tao mas malaking tsansang sumikat. Pero ang kalalabasan nito ang binoto ng tao ay magiging Contemporary artist (sa tagalog, ngaun lang sikat, bukas hindi na) hindi gaya ng mga nanalo nuon hangang ngaun Sikat parin, dahil sa huli masasabi nilang nanalo ako sa Talent Search dahil may talento ako.

Wala lang naisip ko lang....

see yah

4 komento:

Bloom said...

:) showbiz? pss. nakakapagod dudong! kaya ako nagquit ako eh. wahahahahaha. :)

Dudong said...

Dudong @ bloom, hay naku koya...kaming mga fans hindi magsasawa sa shobiz...yan na lang ang libangan namin ng mga inday at dudong dyan... MABUHAY ANG MGA KASAMBAHAY! MABUHAY!...heheheh...uy kamusta moko sa Idol ko ha

Anonymous said...

buti na lang talagang may talent ako! wow! salamat sa boto nyo!

Dudong said...

Dudong @ Mang badoy, hahaha talaga lang mang badoy...wala pang text votes nuon no...hindi uso un ng kapanahunan mu..hehehehe...lab you frend