Habang naglalakad ako pauwi galing opis naisipan kong mag taho, sarado pa namn MRT kasi masyado pang maaga. Nkaugalian ko ng uminun ng taho every morning para din dag dag protein masyado kasi kong payatot....eheheheh.
well anyway tama na ang daldal eto ang nangyari...hinahanap ko si manung taho sa baba ng mrt buendia station. aba wala pa!...nang biglang may dumaan ng taxi at huminto sa harap ko, ay hindi ako mag tataxi mag MMrt ako sabi ko sa isip ko. Pag baba ng sakay ng taxi bumaba din ung driver at pag bukas ng compartment...aba!!! akalain mu ung taho ang laman...Sosyal na mamang Taho naka taxi!!! Samantala ako nanghihinayang sa pantaxi ko pauwe kasi ang laki ng difference ng 12 pesos sa MRT sa 100pesos na pantataxi ko.
Ayun na nga bumuli na ko ng taho, pero maaga pa rin keya nakipag kwentuhan parin ako kay manong.
ako: Manong anung oras mag bubukas ung MRT (wala lang just to start a conversation)
mamang taho: ay mga 5:30 pa yan...
ako: ahhhh ok...eh manung lage kayung nag tataxi?
mtaho:ay oo araw araw pag umaga...
ako:(sa isip: tuchang mama taho ito mas sosyal!)
- bago pa man din ako makapag tanung uli... bigla syang nag salita ulit-
m taho: mas ok na yun...mga tarantado kasi ang mga bus driver nahulog na ko sa bus dati keya un mas napamahal na pa ako...
ahhhhh nahulog pala xa at nagkaroon ng malaking troma dahil natapon daw ang taho nya. umandar kasi ung bus ng hindi pa xa nakakababa kaya ayun. sumambulat ang minit at mamasamasang taho ni manung sa sahig.
sa pag kukwentuhan namin may natutunan din ako. Mas malakas ang ulan mas marameng nagtataho, pero pag ambon lang kaunti ang nagtataho. eto ang kanyang sagot. pag umaambon kasi mabilis daw maglakad ang tao...keya hindi na nila napapansin ung mga nagbebenta. nag mamadali kasi baka lumakas ang ulan. at pag umuulan naman, naiistranded sila sa silong ng flyover sa buendia, keya wala silang magawa kundi mag palipas ng ulan at mag food trip, ang pinag didiskitahan nila dahil malamig ay ang mainit na taho. (aba it makes sense diba?)
ibang klase pala si manong he conducted social experiment( taray diba?) at isa ko sa subject nya dahil madalas akong dumaan sa pwesto nya. idagdag sa kasosyalan ni manong ang kinikita nya araw araw ay 1000 pesos! oo tama kayu ng nabasa. 1k a day ang rate ni manong, kasu performance based. (bigla tuloy ako nahiya...mas malaki kumita si manong) ...sosyal talaga...
see yah!
Tuesday, September 23, 2008
Come to think of it...
karambola ng isip ko simle life
Panulat ni Dudong at 10:36 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 komento:
soshalin si manong! dinaig pa ang administrator ng college namin! haha..
hahahahaha.. ntawa ako dun ah. sosyaling magtataho un. ako nga naglalakad lang papasok sa annapolis. hehehe. baka naka iphone pa si manong ah. lols.
schushal ni manong!!!!
haha
hey dudong can you change my url leviuqse.blogspot.com (retarded's notebook) to www.retardedsnotebook.com on your linklist??
thanks thanks thanks!
haru! natuwa naman ako rito sa entry na ito. ako kasi matagal ko ng trip sana mag-interview ng mga magtataho kaso wala akong time at medyo matagal na rin ako di nakakabili.
sosyal nga si manong talo ang mga empleyado....hehehe
mabuhay ang mga magtataho at nagtataho!
Post a Comment