Public Toilet (piso ihi ; dos tae)

Tuesday, June 24, 2008

Road trip na bitin

ring....ring...ring... (nag riring ang cellphone ni Dudong Habang nag babantay ng tindahang pang international)

Dudong: Hello?
Tumawag: wag muna tayong umuwi sa Manila. (Ang kumpare pala niyang si Charles at mga ka"bored"mates)
Dudong: Ano? eh marame akong appointments na pending dun over the week end (naks parang marame talagang ginagawa)
Charles: Anu ka ba! Punta daw tayo ng Ilocos!
Bored-mates: [naka speaker phone] tara na!
Dudong: Ok gow! [nyak! di man lang nag dalawang isip]

Yan ang buhay ng isang kaladkarin na katulad ko. Kahit saan dalhin sama agad. Anyway, natuloy nga kami papuntang Pagudpud Ilocos Norte. Wala nanaman kasing magawa ang mga "bored"ers ni Kuya Manny. Mag lolong week end kasi [inadvance kasi ni Madamme President ang holiday] pare parehas na hindi mag uuwian sa mga kanikanilang bahay. Kasi namn si Madamme ewan ko kung anung sinisinghot at naisipang i-move ang holiday ng Independence day, naka baka dumating ang pagkakataon na i-cancel nya ang pasko sa dahilang hindi pa siya nakakabili ng famas. [tawag ko sa twing may bogo, Famaskong damit, lahat kasi ng tao may bago sa panahong un] Anyway masyado na kong lumalayo.

Ayun natuloy ang mga mokong. paguran ang ginawa namin dahil sa Isabela kami nanggaling. From Isabela umakyat kami papuntang Tuguegarrao [totoo pala ang tsismis mainit nga doon], kumaen na muna kami sa bahay ng ka "bored"mate namin. Habang kumakaen naitanong ko kung bakit mainit sa Tuguegarao. Eto ang sagot: Napapaligiran kasi ito ng mga bundok,nahaharang ang hangin, kaya nga parte ng Cagayan Valley. hay malayo sa iniisip ko na may kung anu sa ilalim nito, akala ko may geothermal activities, that can be converted to reusable energy and can supply electricity to the whole Island of Luzon (ang init kasi talaga sobra to the nth power). Eh tucha napaka simpleng dahilan lang naman pala, pinakumplikado ko pa.


Anyway ulet. Eto ang dinaanan namin paunta sa Ilocos. ngaragan talaga inikot namin ung north luzon talaga nakaka buryong kung tutuusin pero enjoy naman. Nag papiktyur kami sa pinaka tuktok ng Luzon ang galing! Eto yun sa baba!

ako ung naka blue. Yan ang ganda diba? gusto nyo Close up ako? ok pagbigyan. Sige na...

Yan na ha wag ng umangal.


Marame pang masasayang lugar ang pinintahan namin, mga pag-kaen ng ibat ibang bayan, and many more...hehehehe.

Hay natatamad nanaman ako...sheeet ngayun pa umatake. cge upload ko na lang mga pics. sabi nga nila, A picture worth a thousand words.

Entrance ng Ilocos kung galing ka sa Cagayan Valley.

Ang Pakbet Pizza. Uy wag niyong tawanan dahil masarap. Hindi ko akalaen, aabangan ko naman ung dinuguan pizza, sopas pizza, and ung nilaga pizzza.

Resort na tinuluyan nami. Grabe ang gand ng resort na toh.

Ayan naliligo na ko! hehehehe sarap.

Nag mumunimuni kung bakit ang gwapo ko.

Nagbibisi busyhan...kala mu nag liligpit talaga ako...

Da Best ang Local Delicacies ng mga Ilocano dito. Sa Laoag na yan.


Marame pa kaming pinuntahan. Pinagkasya namin ang lahat sa 3 araw lang. Dahil kailangan na naming bumalil.Bitin talaga ako keya bibitinin ko din kayu.

AHHHHHHHH...naaantuk na ko...natatamad na ko. Visit my multiply site na lang. just ask me then send ko sa email nyo ung link. (as if may magtatanung talaga...hahahaha)

see yah

Monday, June 23, 2008

Backtrax

Naisipan kong gumawa ng entry na ito para icheck ang mga ka-batch ko palumaan tayo ha. Check list kung alam mu ang mga sumusunod.

Naabutan mu ba ang linyang "mother, father, brother, sister, how do you brush you teeth?" at kung ang tooth paste mu ba ay "pepsodent"?

Nagsuot ka ba ng Mighty Kid na sapatos nuong High school ka?

Naabutan mu ba ang kending "tira tira" na nakalagay sa garapon sa tindahan ni Manang Ablong na kung saan mabibili mo ito ng tatlo bentsingko? eh ang bubble gum na bilog bilog at may ibat ibang kulay na ganun din ang presyo?

Naabutan mu ba ung promo ng Coca-cola ng may free na maliliit na vintage na kotse kotsehan? Madalas mu bang batukan ang kapatid/pamangkin mu dahil madalas nyang laruin ito?

Namasyal ka ba sa COD at nanuod ng palabas nilang mga nag-gagalawang manikin t'wing pasko? Nakornihan ka ba dito? Nag cutting classes para mag arcade sa Ali mall?

Nakurot ka ba ng Nanay mu sa singit dahil ayaw mung tigilan ang paglalaro ng Super mario sa bago mung Family computer (dahil ayaw mung paglaruin ang mga pamangkin mu)?

Naabutan mu ba ang malalaking black and white TV na may sliding door na nabubuksan? Eh ang turn table at mga malalaking plaka?

Naabutan mu ba ang That's Entertainment ni Kuya germs? Nalulungkot ka ba sa t'wing maririnig ang theme song ng Conie Reyes On Camera every Saturday, [it's my turn To see what I can see, I hope you'll understand This time's just for me.....it's my turn.....]

Naabutan mu ba ang pakikipaglaban ni Shaider kay Kuma Ley-ar? Nanuod ng Bioman at ang pag-ilaw ng parang pigsa sa dibdib ni Ultraman sa t'wing nanghihina siya?

Nasubaybayan mu ba ang paang aapi ni Clara sa dating bida sa komercial ng pampatangal ng kuto na si Mara (Juday)? Eh ang napaka dramang buhay ni Analuna? at ang pagkasira ng mukha ni Valiente?

Nag enjoy ka ba sa music ng "Menudo" na kung saan si Ricky Martin ang pinakabatang miyembro? eh sa mga tugtog ng bandang "The Dawn"?

Eto malupet "pag mulat ng mata, pag gising sa umaga, sa batibot sa batibot...." nakokornihan ka ba nuon pag naririnig ang theme na to ng "Batibot"? Hindi ka ba nauto ni Kuya Bogie sa mga kwento nya?

Kung tineydyer ka na ng mga panahong ito at ang marame sa sagot mu ay OO.....eh,..........di hamak na masmatanda ka sakin!ha! ha! ha!

(dag dagan nyo pa palumaan tayo)

see yah

Friday, June 20, 2008

Negative things have positive effects.

Golden rule: "Do not do unto others what you would not have them do unto you." Nakaka-confuse kasi si confucious kaya tuloy may mga taong hindi naiintindihan ang "golden rule" nya. Ang alam lang ay ung gold nawala ung rule. May mga taong bwakaw talaga pagdating sa salapi, makikilala ang tunay na kulay pag dating sa usaping pera. Ewan ko ba at may sa-demonyo talaga siguro sila ninoy at tatlong itlog na nakalagay sa 1 thousand. (hindi pa kasi ako nakakagawak ng cash na ganung kalaki, keya d ko sila kilala) Meron kasi ako kasama sa trabaho na sinapian ni satanas at tinakbo ang pera namin, medyo malaki din un kahit pagsama samahin ang pagpuputahan ko ng 3 weeks d pa sapat un, malalaspag muna ko bako kumita ng ganung halaga. Tas ngaun naulit nanaman, may aleng kirat naman ang nang bubuwakaw ng dapat na samin. (sorry for the term ha) Well ang sakin lang ibigay sana ung dapat na samin. Aba hindi ata biro ang mga pinag gagawa ko sa trabaho ko ah. Kaw na mag salita ng 8 oras sa harap ng 40 na tao at ang masama kailangan sa wikang Ingles pa. Taragis talaga, pahirap. Tapus ang bruha ay nag papalamig habang kausap ang labidabs nya (na halos kalahati ng edad lang nya) sa suncell at nagkakamot ng keps. Hay tas kikita na ng limpak limpak na salapi. It's umpeyr!

Masakit na sa ulo ang pag iisip kung san ako hahanap ng ipangbibili sa mga necessities ko, gaya ng pambili ng bagong pants sa penshoppe (un lang kasi meron dito sa Santiago, Isabela) Lotion with sunscreen (aba ang init dito eh) ng glutathione (para hindi na ako kulay punong kahoy), not to mention ung mga nilalagay ko pang kung anik anik sa mukha ko.

Pero malaki din naman ang pasalamat ko sa mga bwaka ng inang, lintek na, sa demonyong mga taong un. Dahil sa kanila natutunan kong wag pagkatiwalaan ang taong hindi nakatingin sayu pag nakikipag usap, at lalaking maitim ang singit na mahilig sa babaeng kamukha ni kirara.

Eto ang booth camp training ko.

Everyday may quize na uutusan kang bumuli ng yelo para sa malamig na tubig na iinumin ng bwakaw. Dahil dito narealize ko na "To be a good leader you must be a good follower."

Natuto din akong maging tough, ang hindi pagkain sa oras dahil wala samin ang mga allowance namin; kailangan pang intaying magutom ang bruha bago kumain. Inisip ko na lang na tinuturuan nya kaming maging health concious, dapat imenatain ang waist line.

Tinuruan din nya kaming kumain ng kung anu ang nakahain sa karinderya. Mabuti un para mawala ang pagkapihikan ko sa pag kain.

Tas nag ala extra challenge kami sa pag-kain, pinakain nya kami sa palenke. Oo sa palengke na hindi ata nabigyan ng sanitary permit dahil maiitim ang kuko ng nag seserve at amoy tae ang ilalim ng lamesa. Pero alam ko para sakin din un, para maging immune ako sa mga germs. pampalakas resistensiya ba.

At higit sa lahat ang mag ulam ng beta max at ng isaw sa tabi ng kalsada. Un ang pinaka exciting talaga parang fear factor. Pero alam ko na practice lang un para maging cowboy ako, magaling makisama.

Parang boothcamp training talaga. Nag tatanung siguro kayou kung anung trabaho ko. well training consultant slash BPO consultant. Well san kayu nakakita ng training consultant slash BPO consultant na ganyan ang pinag daanan. Masasabi kong gumradweyt ako with flying colars sa booth camp training na to.

Pero hindi pa tapus dahil ngaun yung final excersise. ang pagkadelay ng pera dahil na advance na ng bruha. Tinuturuan kami ng patience, because patience is a virtue.

Kahit ganun ung mga kasama naming un, kahit na masahol pa sila sa buhaya, kahit mukhang pera at walang alam na tao kundi ang sarili lang nila, kahit na puro pahirap ang ginawa samin, saludo pa rin ako sa kakapalan ng mukha nilo at kalakasan ng apog nila (dahil hindi na natakot na sa impiyerno sila mapupunta). Elibs talaga. Kala ko sa pelikula ko lang makikita ang ganyang tao. Kala ko din sa fairy tale lang ang mga ogre at wicked witch. Salamat pa rin for making me tough.

Well we just have to be positive. Every negative thing has its positive effects; you just have to look at it using your heart.

"It really doesn't matter if the person who hurt you deserves to be forgiven. Forgiveness is a gift you give yourself. You have things to do and you want to move on." - tama ba? APIR!

see yah!,

Thursday, June 19, 2008

Beauty or Brain?

Which would you rather have, beauty or brain?

"Brain is more important than beauty. Brain is real & tangible, and beauty is imagined, seen, but not tangible, in my opinion.

Definitely brains. You can do so much more with brains than beauty.
"Answer from WikiAnswers.

har har har! what a pathetic answer. Defense mechanism ng mga di kagandahan. Hay naku kung ako tatanungin ng ganyan eto ang sasagot ko... "Being smart is an objective but being beautiful will always be subjective! Definitely BEAUTY!" Bakit? Eh kung pinanganak kang kahawig ng aso wala ka ng magagawa dun. Alam ko, sasabihin mung nandyan namn si Madamme Vicy Belo. Well kung ganyan ang case mu at lumapit ka kay madamme eto ang isasagot nya. "Iha doktor lang ako at hindi ko kayang mag milagro" Panu kung wala ka ding pera may magagawa ka ba? Wala din.
Mas marame kang magagawa pag maganda ka. Marameng mas pabor sau pag may itsura ka. Aminin man natin o hindi, ito ang sistemang tumatakbo sa bansa natin ngaun at sa mundo...Oo itong mundong ginagalawan mu at ginagalawan ko ay inihulma para sa mga taong MAGAGANDA at GWAPO(para samin lang). We have to live with it, if you don't want to, then leave.

see yah

(tabi tabi po opinyon ko lang po....wag ng umangal)

Wednesday, June 18, 2008

sense of humor na with sense

Bago lang ako sa gawaing ganito, naimpluwensyahan lang. Sabi ko subukan ko pampatangal ng stress, (effective naman) hindi na kasi umeepekto ang sex pampatangal stress para sakin. Marami ng gumagawa ng blog medyo marami na rin akong nabasa, ang galing nga kabilib gaya ni badoodles ata yun, master pag dating sa ganitong gawain. Nakakatawa na walang kwenta na mayaman sa emosyon at makabuluhan. Basta galing talentado ka idol.

Ewan ko ba at may mga taong ipinanganak na may talento. Ako? Meron? FYI hindi ako marunong sumayaw, umawit, gumuhit, o anu mang talentong nasa isip mu, ni hindi nga ako photogenic. (shet naman oh)Kahit un na lang wala padin. Naaalala ko nang nagsayaw ako nung program namin nung High School mukaha akong unggoy na kinagat ng langgam sa dulo ng uten! tas pag sa videoke pag nag iinuman, mapapansin ko na lng mga kainuman ko na kanya kanya na ng topic na pinag uusapan (gago kayo wag nyo namn ipamukha pa). Simula non hindi ko na ginawa ang ganung bagay para na rin sa ikatatahimik ng buhay ko at para di na bumaba ang respeto ko sa sarili .lol.

Sa pag susulat ng mga lathalain ko. Susubukin kong maging natural. Marami na rin kasing manunulat na nakakaaliw, at baka malaybelan ako sa noo ng "you're nothing but a second rate trying hard copy cat" Try ko namn magsulat ng nakakabato for a change diba. Sabi ko nga madalas na "dont go with the flow, go against it!" kasi lahat ng tao makiki in kasi nasa uso. Kaya malamang hindi ka mapapansin. (natural talaga na KSP ang mga Pinoy lahat papatulan para mapansin. (oh wag ng umangal opinyon ko toh, walang pakialamanan) Mabalik tau sa uso, 3 years ago(hindi ko sure ah) na-uso ang Pinoy nurse na indemand sa ibang bansa. Ang daming kumuha ng kursong nursing ngayon hirap makakuha ng trabaho sa ibang bansa, kasi marameng kakumpitensya. Bagsak ng ilan sa kanila Call Center. Yan ang sinasabi ko! Dati maraming IT, ang iba naging obsulete na ang kaalaman, panu naman mabilis nagbabago ang Technology noh.

Mabalik tayo sa talento, ewan wala talaga. ay teka meron. Tama meron nga. Mga 9 sa 10 kong nakkapareha sa kama ang nag sabing "SHEEEEEEEET ang sarap mu pare...sige pa ahhhhh!" Ung isa sa kanila komatos ata kaya walang comment. Pede na bang talento un? Naku magagalit si Mokong sakin pag nalaman nya toh. Mokong past nanaman un eh. Ngaun mga 3 na lang kayo. Joke!

Hay ang iba gifted talaga, marunng kumanta, umarte, mag sayaw at iba pa. Namakyaw ata ng talento un lang sugapa sila hindi ako tiniran kahit pag sayaw lang. Di bale hindi namn ako nag iisa eh marame ako napapanood sa dos at sa siyete na kapareha ko. Lagi kong tanung "Bakit sila, walang talento pero ang tawag sa kanila artista." well bakit nga ba?

Anyway ang pinaka hanga ako sa lahat ay sina Jon Santos, Nanette Imbentor, Tesi Tomas, at si Giselle Sanches they have the talent na kinaiingitan ko, sense of humor na with sense.

see yah!

Tuesday, June 17, 2008

Lantarang Pagyurak sa Karapatang Pantao

I have a little understanding about labor code here in the Philippines, but what I am aware of, is that we don't have anti discrimination for sexual preferences neither the law that prohibits discrimination based on race, gender, religion, age and other characteristics,and this results to companies that doesn't have gay friendly nondiscrimination and anti-harassment policies, like here in the company that I'm currently working for. (ashamed)

Just witness an arrant display of discrimination. One "trans-gender" was sent home because she wasn't wearing the proper attire for men which is formal (long sleeves, neck tie) instead she was wearing formal for women,(nice top with mid rib coat, slacks and high heels). What's the difference? I see her as decent Person in her attire. I cant see the logic?!

It's quite disturbing, despite of the "people like us" (3rd sex) are the ones who excel in every fields (entertainment, corporate, sales, business, etc.), still, some people discriminate us. Its excruciating how other people treat us. Us who chose to be different, us who was fighting for acceptance.
Why don't we look at a person as a person regardless of sexual preference, religion, race , and age......

Imagine one day you woke up, and you find out that the world just lost it's beauty and half of its population, that means we all flew to mars.

..."This is a wake up call for employers around the country - without commitments to fairness and equality for all employees they risk losing talented employees and job candidates," [Kevin Cathcart, Executive Director at Lambda Legal]

This was the first blog I ever posted. When I was working as QA in one of the well known call center in Ortigas that handles Timeshare, that was three years ago if I am not mistaken. I wrote this blog out of anger, after writing it I felt calmness. Indeed writing is one good way of releasing stress or any negative vibs in your system. I'll do this frequently...I'll try.

Wow ako ba ito English...shocks anu to bakit my dugo ung key board.wahhhhhhhhhhhhh...nagdugo ilong ko...packers!!!!!!

see yah!