Public Toilet (piso ihi ; dos tae)

Tuesday, June 24, 2008

Road trip na bitin

ring....ring...ring... (nag riring ang cellphone ni Dudong Habang nag babantay ng tindahang pang international)

Dudong: Hello?
Tumawag: wag muna tayong umuwi sa Manila. (Ang kumpare pala niyang si Charles at mga ka"bored"mates)
Dudong: Ano? eh marame akong appointments na pending dun over the week end (naks parang marame talagang ginagawa)
Charles: Anu ka ba! Punta daw tayo ng Ilocos!
Bored-mates: [naka speaker phone] tara na!
Dudong: Ok gow! [nyak! di man lang nag dalawang isip]

Yan ang buhay ng isang kaladkarin na katulad ko. Kahit saan dalhin sama agad. Anyway, natuloy nga kami papuntang Pagudpud Ilocos Norte. Wala nanaman kasing magawa ang mga "bored"ers ni Kuya Manny. Mag lolong week end kasi [inadvance kasi ni Madamme President ang holiday] pare parehas na hindi mag uuwian sa mga kanikanilang bahay. Kasi namn si Madamme ewan ko kung anung sinisinghot at naisipang i-move ang holiday ng Independence day, naka baka dumating ang pagkakataon na i-cancel nya ang pasko sa dahilang hindi pa siya nakakabili ng famas. [tawag ko sa twing may bogo, Famaskong damit, lahat kasi ng tao may bago sa panahong un] Anyway masyado na kong lumalayo.

Ayun natuloy ang mga mokong. paguran ang ginawa namin dahil sa Isabela kami nanggaling. From Isabela umakyat kami papuntang Tuguegarrao [totoo pala ang tsismis mainit nga doon], kumaen na muna kami sa bahay ng ka "bored"mate namin. Habang kumakaen naitanong ko kung bakit mainit sa Tuguegarao. Eto ang sagot: Napapaligiran kasi ito ng mga bundok,nahaharang ang hangin, kaya nga parte ng Cagayan Valley. hay malayo sa iniisip ko na may kung anu sa ilalim nito, akala ko may geothermal activities, that can be converted to reusable energy and can supply electricity to the whole Island of Luzon (ang init kasi talaga sobra to the nth power). Eh tucha napaka simpleng dahilan lang naman pala, pinakumplikado ko pa.


Anyway ulet. Eto ang dinaanan namin paunta sa Ilocos. ngaragan talaga inikot namin ung north luzon talaga nakaka buryong kung tutuusin pero enjoy naman. Nag papiktyur kami sa pinaka tuktok ng Luzon ang galing! Eto yun sa baba!

ako ung naka blue. Yan ang ganda diba? gusto nyo Close up ako? ok pagbigyan. Sige na...

Yan na ha wag ng umangal.


Marame pang masasayang lugar ang pinintahan namin, mga pag-kaen ng ibat ibang bayan, and many more...hehehehe.

Hay natatamad nanaman ako...sheeet ngayun pa umatake. cge upload ko na lang mga pics. sabi nga nila, A picture worth a thousand words.

Entrance ng Ilocos kung galing ka sa Cagayan Valley.

Ang Pakbet Pizza. Uy wag niyong tawanan dahil masarap. Hindi ko akalaen, aabangan ko naman ung dinuguan pizza, sopas pizza, and ung nilaga pizzza.

Resort na tinuluyan nami. Grabe ang gand ng resort na toh.

Ayan naliligo na ko! hehehehe sarap.

Nag mumunimuni kung bakit ang gwapo ko.

Nagbibisi busyhan...kala mu nag liligpit talaga ako...

Da Best ang Local Delicacies ng mga Ilocano dito. Sa Laoag na yan.


Marame pa kaming pinuntahan. Pinagkasya namin ang lahat sa 3 araw lang. Dahil kailangan na naming bumalil.Bitin talaga ako keya bibitinin ko din kayu.

AHHHHHHHH...naaantuk na ko...natatamad na ko. Visit my multiply site na lang. just ask me then send ko sa email nyo ung link. (as if may magtatanung talaga...hahahaha)

see yah

6 komento:

Anonymous said...

ang sarap naman dyan, very relaxing! buti ka pa nakakasama sa mga ganyang lakaran hehe...sabi ko nga sa sarili ko, iikutin ko muna ang pinas bago ang ibang bansa...waaahhh, hindi ko pa un nagawa,nandito na ko sa UAE! pero promise, pupuntahan ko yan! ang ganda talaga kasi!

Dudong said...

Dudong @Aling Baby, Masaya nga. nalibot ko na ang Luzon. Ang ganda ng Pilipinas Kailangan lang natin maapreciate ang mga bagay na inoofer nito, Tara Biyahe Tayo!

Anonymous said...

--

hakhak

astegen

pag yumaman ako ppunta aku jan

elyens

XXXxx

Dudong said...

Dudong @ rimewire, di mu namn kailangan na yumamaan eh...para ka namng dayuhas sa sarili mung bayan...ako nga tumakas lang sa amo ko eh...hindi ako nag paalam...hahahaha

Anonymous said...

nakaakinggit! ilang weeks nako d2 sa pinas konti pa lang nararating ko, ayaw ako tangayin ng hangin sa magagandang parts ng pilipens. huhu. kawawang mumu >.<

Dudong said...

Dudong @ mumu sa kanto, marami pa namang time eh di namn aalis ang ilocos, dito pa daw xa till bago ka malis...mumu ganda ng page mu!!