Naisipan kong gumawa ng entry na ito para icheck ang mga ka-batch ko palumaan tayo ha. Check list kung alam mu ang mga sumusunod.
Naabutan mu ba ang linyang "mother, father, brother, sister, how do you brush you teeth?" at kung ang tooth paste mu ba ay "pepsodent"?
Nagsuot ka ba ng Mighty Kid na sapatos nuong High school ka?
Naabutan mu ba ang kending "tira tira" na nakalagay sa garapon sa tindahan ni Manang Ablong na kung saan mabibili mo ito ng tatlo bentsingko? eh ang bubble gum na bilog bilog at may ibat ibang kulay na ganun din ang presyo?
Naabutan mu ba ung promo ng Coca-cola ng may free na maliliit na vintage na kotse kotsehan? Madalas mu bang batukan ang kapatid/pamangkin mu dahil madalas nyang laruin ito?
Namasyal ka ba sa COD at nanuod ng palabas nilang mga nag-gagalawang manikin t'wing pasko? Nakornihan ka ba dito? Nag cutting classes para mag arcade sa Ali mall?
Nakurot ka ba ng Nanay mu sa singit dahil ayaw mung tigilan ang paglalaro ng Super mario sa bago mung Family computer (dahil ayaw mung paglaruin ang mga pamangkin mu)?
Naabutan mu ba ang malalaking black and white TV na may sliding door na nabubuksan? Eh ang turn table at mga malalaking plaka?
Naabutan mu ba ang That's Entertainment ni Kuya germs? Nalulungkot ka ba sa t'wing maririnig ang theme song ng Conie Reyes On Camera every Saturday, [it's my turn To see what I can see, I hope you'll understand This time's just for me.....it's my turn.....]
Naabutan mu ba ang pakikipaglaban ni Shaider kay Kuma Ley-ar? Nanuod ng Bioman at ang pag-ilaw ng parang pigsa sa dibdib ni Ultraman sa t'wing nanghihina siya?
Nasubaybayan mu ba ang paang aapi ni Clara sa dating bida sa komercial ng pampatangal ng kuto na si Mara (Juday)? Eh ang napaka dramang buhay ni Analuna? at ang pagkasira ng mukha ni Valiente?
Nag enjoy ka ba sa music ng "Menudo" na kung saan si Ricky Martin ang pinakabatang miyembro? eh sa mga tugtog ng bandang "The Dawn"?
Eto malupet "pag mulat ng mata, pag gising sa umaga, sa batibot sa batibot...." nakokornihan ka ba nuon pag naririnig ang theme na to ng "Batibot"? Hindi ka ba nauto ni Kuya Bogie sa mga kwento nya?
Kung tineydyer ka na ng mga panahong ito at ang marame sa sagot mu ay OO.....eh,..........di hamak na masmatanda ka sakin!ha! ha! ha!
(dag dagan nyo pa palumaan tayo)
see yah
Monday, June 23, 2008
Backtrax
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 komento:
po-promote ko site mo sa wednesday promise...
Dudong @ talambuhay: ay talagang may promotion ah...sabihin mu kasama ung may akda. for free na ko. nyahahaha
ako meron idadagdag, yung bubbles na nilalagyan ng dinikdik na gumamela, tide at tubig tapos tingting ng walis ang gagamitin hehe...
ang mga palabas na music bureau nina Jao Mapa; Tatak Pilipino, Buddy en Sol, Tropang Trumpo, Chibugan Na at etc.
Ang mga sikat na radio stations na Campus Radio 97.1 LS FM, WKC!, at Kool 106 hehehe...
sarap mag-reminisce! :)
nakikibisita lang po.:D
Dudong @Aling Baby, Tama ka dyan Aling Baby. Nangangahulugan lamang nyan na hindi kita ka batch. Salamat Ikaw ang Ika 5ng mambabasa ng blog ko....hehehehe
lolo dudong:
damatans ka na pala. apir! haha... (naabutan kong lahat ng yan pero hindi ko pinagsasasabi sa publiko)
from lola munggo
Duduong @ utakmungo, ahahaha, sa totoo lang pinagtanung tanung ko san. ang iba dyan sperm pa lang ako. nkakwentohan ko kasi ung lolo ko nung sang araw.
wah,,, super mario! kami ng kuya ko patay na patay din dati sa battle city and punch out. tama ka , ayoko na naririnig yong sa connie reyes on camera. lumaki rin ako sa TV habang nanood ng batibot at bioman...
ang naalala ko noon may nagtitinda pa ng parang chiz curls sa kariton tas yong lalagyan... yong binilot na papel. may naglalako rin dati ng magnolia chocalate sa bote... tanda ko na pala... haha. eh naalala mo ba yong commercial ng johnson ata yan, tumatagalllll at saka yong promo ng bazukka na may komiks sa loob.
Dudong @hitokirihoshi, oo tama ka hahaha matanda ka na ngau...ung cheese curls na nasa kariton kapalit nun bote diba?hehehehe, bibilhin ng mama ang bote mu tas ibabayad nga ung cheese curls...
Post a Comment